Lyric Anak


Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang Nanay at Tatay mo y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila y sinuway mo
Hindi mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa y para sa iyo
Pagka t ang nais mo y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba t ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata y biglang lumuha
Ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo y
Nalaman mong ika y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo y
Nalaman mong ika y nagkamali
Автомобильная помощь