Home » Lyrics » Artists on a letter S » Lyrics Shigeru Matsuzaki » Lyric Sabihin Mo Sa Akin

Lyric Sabihin Mo Sa Akin


Ang tunay bang pagmamahal ay may mukha
Ang puso ba y saan tumitingin
Ang mga ulap ba ay dapat kong hawiin
Upang maglaho ang dilim
Na bumabalot sa akin

Pag-ibig ba ay may kinikilingan
Namimili ba ng dapat mahalin
Anong kailangan kong gawin
Upang pagmamahal ay madama
Kahit na kunwari

CHORUS:
Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba y kakaiba
Sa kanilang paningin
Ako ba y may pagkukulang
Na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila
Na wala sa akin

Malulungkot ba ang aking hinaharap
Mga labi ko y kailan ba ngingiti
Hindi ko naman hinihingi ang yaman ng mundo
Konting paglingap lang konting paglingap lang

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba y kakaiba
Sa kanilang paningin
Ako ba y may pagkukulang
Na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila
Sabihin mo sa akin
Автомобильная помощь